Wednesday, November 12, 2014

"Hindi Nahahati ang Langit", Muling Mapapanood sa Sinehan


Hindi lang mga lumang pelikula tulad ng "Himala" at "Oro Plata Mata" ang mabusising nilinis at pinapaganda ng Film Restoration project ng ABS-CBN kung hindi pati na rin mga pelikulang kamakailan lang ipinalabas sa mga sinehan.

Mahigit 60 pelikulang ito, na napanood noon pang 1976 hanggang 2011, ay ang mga Star Cinema hit tulad ng "Miss You Like Crazy", "One More Chance", "Milan", "Tanging Yaman", "Anak", "Feng Shui", at "My Amnesia Girl".

Ang ilan sa mga digitally restored at remastered films na ito ay mapapanood sa piling screenings sa mga sinehan, sa DVD, sa free-to-air TV via ABS-CBN Film Archives ng limang titulo kabilang ang "Himala", "Oro Plata Mata", "Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon", "Virgin People", at ang pinakabagong dagdag sa listahan na "Hindi Nahahati ang Langit" sa pangunguna nina Christopher De Leon, Lorna Tolentino, Edu Manzano, at Dina Bonnevie.

Tampok sa pelikula ni Mike De Leon ang kwento nina Noel(De Leon) at Melody(Tolentino), step-siblings na mahuhulog ang loob sa isa't isa sa maling pagkakataon at panahon.

Bata pa lang ay tila aso't pusa na kung mag-away ang dalawa. Dahil sa naiiba nilang mga personalidad kung kaya't hindi nila nagagawang magkasundo. Biglang magbabago ang ikot ng kanilang mundo ng mamatay ang kanilang mga magulang at si Noel ang kinilalang legal guardian ni Melody.

Lalong iigting ang galit ni Melody kay Noel dahil sa paghihigpitan ng tinuturing na nakatatandang kapatid sa kanya.

Tuluyan ng maghihiwalay ang landas nila ng pareho na silang ikinasal sa kani-kanilang kasintahan. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at sila ay pagtatagpuing muli bilang business partners. Ang madalas nilang pagsasama at pagkikita sa trabaho agn siyang pagmumulan ng selos at pagdududa mula sa kanilang mga asawa.

Dumalo sa Premier Screening Sina Maria Angela De Leon(anak ni Christopher De Leon) at Dina Bonnevie.

Dina Bonnevie at Marie Angela De Leon


Mapapanood ang HD version ng "Hindi Nahahati ang Langit" sa piling mga sinehan ngayong buwan.

No comments:

Post a Comment